Dedikasyon
Para sa aking mga pasyente
Dr. Aaron Christopher P. Novales
Cardiologist at Vascular Medicine Specialist
Ginawa ko po ang website na ito para sa inyo, mga pasyente ko, at para sa inyong mga pamilya.
Sa klinika, madalas po ay kulang ang oras para maipaliwanag ko ang lahat ng gusto kong malaman ninyo. Marami sa inyo ang umuuwi na may mga bagong salita gaya ng hypertension, PAD o lymphedema, at may mga tanong na naiisip lang pauwi na. Ito ang paraan ko para maituloy ang ating usapan.
Simple lang po ang hangad ko:
- Na magkaroon kayo ng basic na pag-unawa sa mga kondisyong maaaring mayroon kayo, sa simpleng English at Filipino.
- Na makilala ninyo agad ang mga senyales ng panganib, at malaman kung kailan dapat pumunta agad sa emergency room.
- Na magpakonsulta kayo kapag kailangan, at pumunta sa inyong check-up na handa ang inyong mga tanong.
Hindi po kapalit ng konsultasyon ang website na ito. Iba-iba ang bawat tao, at ang tamang check-up lang ang makapagsasabi kung ano ang tama para sa inyo. Gamitin ninyong gabay ang mababasa rito, at kausapin ang inyong sariling doktor tungkol sa inyong gamutan.
Salamat po sa tiwala ninyo sa akin pagdating sa inyong kalusugan. Ang pag-aalaga sa puso at mga ugat ay pagtutulungan natin, at masaya akong maging bahagi nito.
Tara, mag-usap tayo.
Dr. Aaron Christopher P. Novales
MD-MBA, FPCP, FPCC, FPSVM, CLT
Cardiologist at Vascular Medicine Specialist
Tungkol kay Dr. Novales
Training at mga kredensyal
Internal Medicine
Adult Cardiology
Vascular Medicine
Pangangalaga sa lymphedema
Pag-aaral at training
- 2015Doctor of Medicine at Master of Business Administration (MD-MBA)
Ateneo School of Medicine and Public Health
- 2019Residency sa Internal Medicine
The Medical City
- 2023Fellowship sa Adult Cardiology
The Medical City
- 2024Fellowship sa Vascular Medicine
The Medical City
- 2026Training bilang Certified Lymphedema Therapist (CLT)
Klose Training
Board certification
- Philippine Specialty Board of Internal Medicine
- Philippine Specialty Board of Adult Cardiology
- Philippine Specialty Board of Vascular Medicine
Ano ang ibig sabihin ng mga titik pagkatapos ng kanyang pangalan
MD-MBADoctor of Medicine at Master of Business Administration
FPCPFellow, Philippine College of Physicians
FPCCFellow, Philippine College of Cardiology
FPSVMFellow, Philippine Society of Vascular Medicine
CLTCertified Lymphedema Therapist
Mga propesyonal na samahan
- Philippine Medical Association
- Philippine College of Physicians
- Philippine Heart Association
- Philippine Society of Vascular Medicine
- Society for Vascular Medicine (United States)
Para sa iskedyul ng klinika, tingnan ang Hanapin ang klinika. Para sa mga ospital kung saan siya tumitingin ng emergency na pasyente, tingnan ang Mga emergency room.